Patuloy na tumataas ang lebel ng tubig sa Laguna de Bay dahil sa ilang araw na malalakas na pag-ulan.
Ayon sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) umabot na sa 11.95 hanggang 11.97 meters ang lebel ng tubig sa lawa ngayong August 10.
Sa loob ng limang araw, tumaas ng 63 centimeters ang lebel ng lawa mula 11.30 meters noong August 6 hanggang 11.97 meters ngayong araw.
Gayunman, nananatili pa rin itong mababa sa 12.50 meters critical level.
Ayon sa LLDA, maaaring magpatuloy ang pagtaas ng tubig dahil sa mga pag-ulang dulot ng pinalakas na Habagat.
Pinapayuhan ang mga komunidad sa mga mabababang lugar sa paligid ng lawa na magbantay sa posibleng pagbaha at panatilihing malinis ang mga daluyan ng tubig.
Patuloy namang mino-monitor ng LLDA ang lebel ng Laguna de Bay at ang pagdaloy ng tubig mula sa mga nakapaligid na watershed.