Nakatutok ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pagtugon sa mga lugar na apektado ng masamang panahon dulot ng #Habagat.
Ito’y makaraang paganahin ng NDRRMC ang kanilang National Response Cluster dahil sa mga naitalang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa walang patid na pag-ulan.
Kabilang sa mga pinaganang response clusters ang logistics, food and non-food items, search, rescue and retrieval, health, law and order, camp coordination and camp management at iba pang clusters.
Pinagana na rin ang NDRRMC Inter-Agency Coordinating Cell para sa operational coordination at pagpapasya ng mga ahensya sa pagtugon sa sitwasyon.
Una rito, nakapagtala ang NDRRMC ng nasa 200 lugar sa Luzon na binaha dahil sa mga pag-ulang dala ng Habagat.