Nagpatupad ang National Housing Authority (NHA) ng isang buwang automatic moratorium sa housing loan amortization at lease payments ngayong August para sa mga kwalipikadong residential account holder sa mga proyektong NHA na apektado ng Habagat.
Sakop ng hakbang ang mga residential account holder sa National Capital Region at 16 na lalawigan sa Luzon, kabilang ang Bulacan, Pampanga, Cavite, Batangas, Rizal, Bataan, at Zambales.
Awtomatikong ipatutupad ang moratorium at hindi na kailangan ng aplikasyon. Walang ipapataw na delinquency, penalties, interest, at surcharges habang umiiral ang moratorium.
Magsisimula muli ang pagbabayad sa September 1, 2026, habang palalawigin ng isang buwan ang repayment period ng mga sakop na account.
Ayon sa NHA, layunin ng hakbang na maibsan ang pinansyal na pasanin ng mga pamilyang naapektuhan ng malalakas na pag-ulan dulot ng Habagat.