Umabot sa mahigit 6.7 milyon mag-aaral ang naapektuhan ng pagsuspinde ng klase dahil sa Bagyong Maymay at Habagat.
Ito ay batay sa pinakahuling situation report ng Department of Education (DepEd).
Ayon sa DepEd, kabilang sa mga apektadong lugar ang Region III, Region I, Region IV-B, Region IV-A, National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Region II at Region VI.
Saklaw nito ang mahigit 10,600 public schools, at halos 300,000 na personnel.
Samantala, nasa 107 na mga pampublikong paaralan ang ginagamit bilang evacuation centers, kung saan 387 silid-aralan ang ginagamit at mahigit 2,065 pamilya ang pansamantalang lumikas.
Bukod dito, nakapagtala rin ang DepEd ng mga nasirang mga silid aralan kung saan mahigit 2,800 ang minor damaged habang mahigit 1,000 ang major damaged.
Bilang tugon, naglaan ang DepEd ng P24.5 milyon para sa clean-up and clearing operations sa mga apektadong paaralan mahigit P140 milyon para sa minor repair ng mga nasirang paaralan.