Walang nakikitang signs of life sa apat na natitirang biktima na patuloy na hinahanap matapos na matabunan ng gumuhong lupa sa Guisad Surong, Baguio City.
Ayon kay Baguio City Police Chief PCOL Ruel Tagel, ito ay batay sa ginamit na special equipment gaya ng life detector, sa nagpapatuloy na search, rescue, and retrieval operation sa lugar.
Gayunman, umaasa si Tagel na magkakaroon ng milagro at maisasalba pa ang mga biktima. Aminado rin siyang nagiging hamon sa operasyon ang masamang lagay ng panahon.
Sa ngayon, anim na ang naitalang patay dahil sa landslide, kabilang ang tatlong taong gulang na bata, habang isa pa ang idineklarang dead on arrival sa ospital.