Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na nakahanda sila para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa November 2.
Ginawa ang pahayag kasunod ng mga panukalang batas sa Kongreso na muling ipagpaliban ang nasabing halalan at palawigin ang termino ng mga opisyal.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia kung ipatawag sila sa Kongreso, isa lang ang kanilang sasabihin at ito ay nakahanda sila sa BSKE.
Nakalatag na at eksakto ang kanilang timeline para dito.
Nirerespeto ng COMELEC ang dahilan ng panukalang batas sa Kongreso na ipagpaliban ang halalan tulad ng krisis sa enerhiya at planong gawing limang taon imbis na apat na taon ang termino ng panunungkulan.