Isyu sa maling paghawak ng trust fund ng mga Persons Deprived of Liberty ang naging dahilan ng pag-relieve sa pwesto ng dalawamg opisyal ng Correctional Institute for Women o CIW.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. iniimbestigahan na ngayon ang dalawang opisyal at pansamantala muna silang mag-rereporr sa National Headquarters sa Muntinlupa City habang naka-relieve sa pwesto.
Hinihinalang umabot sa 6 million pesos ang nawawalang trust fund at Absent Without Leave o AWOL pa ang PDL Trust Fund Officer mula pa noong July 29.
Tinitiyak naman ni Catapang na iimbestigahan ang punot dulo nito kaya inatasan na rin nya ang Internal Audit Service Unit na magkaroon ng internal audit.
Dismayado naman si Catapang dahil sa posibleng korapsyon sa loob ng BuCor habang pilit nyang isinasaayos ito. | ulat ni Louisa Erispe