Ngayong araw ay pormal na isinumite ng ehekutibo sa Kamara ang ₱7.2 trillion 2027 National Expenditure Program (NEP).
Mas mataas ito ng humigit-kumulang ₱407 bilyon o anim na porsiyento, kumpara sa ₱6.793 trilyong 2026 national budget.
Pinangunahan ito ni acting Department of Budget and Management (DBM) Sec. Kim De Leon, Speaker Faustino Dy III, House Majority Leader Sandro Marcos, at Appropriations Committee Chair Mikaela Suansing at iba pang House Leaders.
Ito ang unang budget ni Dy bilang House Speaker.
Nakapaloob sa tema nitong “People-Centered Growth for an Inclusive and Resilient Future” ang binuong pondo ay nakatuon sa mas inklusibo at matatag na paglago ng ekonomiya.
Kabilang sa pangunahing prayoridad ang human capital development, food security, infrastructure, climate at disaster resilience, at digital transformation.
Para sa imprastraktura, bibigyang-diin ang pagpapatupad ng mga flagship project at mga programang makatutulong sa climate resilience at disaster risk reduction.
Target naman ng pamahalaan ang 5 hanggang 6 percent GDP growth sa 2027, habang inaasahang nasa 4 hanggang 5 percent ang inflation.