Pinanatili ng Malacañang ang work-from-home arrangment para sa mga government offices sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.
Ito’y kasunod ng inisyung Memorandum Circular 124 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto base na din sa naging rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa gitna ng inaasahang patuloy na makararanas ng matitinding pag- ulan sa nabanggit na mga lalawigan.
Sa kabilang dakoy nasa pagpapasya na aniya ng mga lokal na pamahalaan kung magpapatupad ng alternative learning modes kapwa sa public at private schools at all levels.
Nakapaloob din sa inilabas na Memorandum Circular na ipinauubaya na sa desisyon ng mga Local Chief Executives sa iba pang mga naapektuhan ng habagat kung magpapatupad ng suspensiyon sa pasok ng kanilang mga kawani at paaralan.
Samantala, nakadepende na naman sa diskresyon ng mga nasa pribadong tanggapan, kung magpapatupad din ng alternative work arrangement.