Photo courtesy of Department of the Interior and Local Government (DILG)
Kabuuang 50 emergency response motorcycles ang ideneploy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Eastern Visayas para palakasin ang Unified 911.
Pinangunahan ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang turnover ng mga sasakyan sa walong Tourist Police Units sa Palo, Leyte.
Ayon kay Remulla, maaaring tumawag sa Unified 911 gamit ang sariling dialect upang mas madaling maunawaan ng mga operator ang emergency.
Aniya, makatutulong ito para mas mabilis na maipadala ang tamang responde sa mga insidente.
Kasunod ito ng pamamahagi ng 20 emergency response vehicles sa Albay at Camarines Sur noong Lunes.
Nakipagpulong din si Remulla sa mga opisyal ng rehiyon upang paigtingin ang koordinasyon sa kapayapaan, kaayusan, at serbisyong pang-emergency.