Aabot na sa mahigit 3.7 milyong indibidwal o katumbas ng mahigit isang milyong pamilya ang apektado ng masamang panahong dulot ng mga nagdaang bagyo at Habagat.
Batay ito sa 8am update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.
Nagmula ang mga apektado sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol, Western Visayas, Zamboanga Peninsula CALABARZON, CAR, NCR at MIMAROPA.
Sa naturang bilang, aabot sa mahigit 15,000 pamilya o katumbas ng 53,000 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 553 na mga evacuation center sa buong bansa.
Nananatili naman sa 21 ang bilang ng mga napaulat na nasawi, 14 ang napaulat na nawawala habang mayroon pang tatlo (3) ang patuloy pa ring pinaghahanap.
Kaugnay nito, nasa higit 1,000 mga kabahayan naman ang naitalang nasira dulot ng sama ng panahon
Habang nasa mahigit P2-bilyong halaga na ang naitalang nasirang mga imprasktraktura at nasa mahigit P300-milyon ang halaga naman na ang nasira naman sa agrikultura.