Patuloy ang isinasagawang pag-iikot ni Department of Health (DOH) Secretary Edwin Mercado sa iba’t ibang DOH hospitals maging sa health facilities na may mataas na kaso ng leptospirosis admissions.
Sa isinagawang pag-iikot ni Sec. Mercado sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital, muling tiniyak ng kalihim na sapat pa rin ang health facilities ng bansa maging ang gamot para sa mga pasyenteng na-diagnose na may leptospirosis lalo’t binibilang na ngayon ng kagawaran ang incubation period para sa nasabing sakit.
Hinimok din ni Mercado ang publiko na huwag mag-atubiling magpakonsulta sa mga ospital pribado man o pam-publiko upang agad na makumpirma kung sila ay positibo sa sakit na leptospirosis.
Nagpaalala rin ang kalihim na iwasan ang paglusong sa baha hanggang maaari upang mapababa ang tiyansang magkaroon ng leptospirosis.
Samantala, naghahanda na rin ang kagawaran para sa posibleng pagdami ng kaso ng dengue dahil pa rin sa epekto ng baha.