Hindi nag-iisang solusyon ang kailangan ng Pilipinas upang mabawasan ang mga nararanasang pagbaha tuwing umuulan.
Paliwanag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., magkakaiba ang problema sa bawat lugar kaya’t kailangang naka-batay ang solusyon sa bawat kondisyon at terrain ng mga lugar, ang mga flood control project na ipatutupad ng gobyerno.
Partikular na inihalimbawa ni Pangulong Marcos Jr. ang Cordillera Administrative Region (CAR), kung saan mas mahirap aniya ang pagpapatupad ng flood management dahil sa mabundok na lupain nito.
Gayunpaman, siniguro ng pangulo na pinag-aaralan ng pamahalaan ang mga hakbang na maaaring ipatupad sa bawat lugar, para sa pagbuo ng flood control strategies.
Kasabay nito, ipagpapatuloy din ang dredging at pagpapa-andar sa mga flood control facility na matagal nang hindi nagagamit, bilang bahagi ng mas malawak na hakbang kontra baha.