Ipinagtanggol ni House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon si private prosecutor Atty. Amando Ligutan kasunod ng pagsita ni lead defense counsel Atty. Shiela Sison sa naging Facebook post nito kaugnay ng mga ‘misleading question’ sa paglilitis.
Pinaalalahanan ng panig ng prosecution ang depensa na ang ibinahagi lamang ni Atty. Ligutan sa kanyang social media page ay ang pangkalahatang tuntunin sa batas (principle of law) tungkol sa mga maling pagtatanong sa cross-examination, at hindi ito lumalabag sa sub judice rule.
Binigyang-diin ng prosecution, na walang ibang dapat sisihin sa usapin kundi ang pagkukulang mismo ng defense lawyer na si Atty. Kristine Ferrer na linawin ang kanyang tugon at rebuttal kasunod ng pagtutol (objection) ni Atty. Lorna Kapunan.
Giit ng prosecution, huwag “i-gaslight” ang taumbayan dahil hindi lamang ang Senate Impeachment Court ang nakarinig sa sagutan kundi maging ang buong publikong nakatutok sa paglilitis.
Idinagdag ng prosecution na nauunawaan niya ang pighati at hinagpis ng panig ng depensa, ang gawa-gawang reklamo laban sa post ng private prosecutor.