Kaisa ang Malacañang sa pagpapapaalala ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong guro, kaugay sa umiiral na ethical standards at mga polisiya ng kagawaran.
Partikular na dito, ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ang pagbabawal sa paglalabas ng online content sa kanilang mga social media pages, kung saan tampok o nakikita ang kanilang learners o mga estudyante.
Paalala aniya ng tanggapan sa mga ito, iwasan ang ganitong practice, at panatilihin lamang ang professionalism sa trabaho, sa loob man o labas ng paaralan.
Umaapela rin ang DepEd sa mga guro na panindigan ang sinumpaang tungkulin at patuloy na maging mabuting huwaran sa kanilang mga maga-aral.
Lalo’t ang mabuting asal aniya, bagamat sa tahanan natututuhan, sa paaralan pa rin ito, mas nahuhubog nang mabuti. | ulat ni Racquel Bayan