Nilinaw ni House lead prosecutor Rep. Gerville Luistro na walang “ill intention” ang mga private prosecutors sa naging paglilitis kahapon sa senate impeachment court.
Sa isang panayam kay Luistro, sinabi nito na naging very pasionate lamang ni Atty. Lorna Kapunan sa gitna ng mainit na palitan nina Kapunan at Atty. Ferrer.
Ayon pa kay Luistro na nagbigay linaw lamang si Atty. Virgil Ligutan sa tamang proseso sa mga paglilitis na hindi pinapayagan sa korte ang misleading questions.
Maalalang kahapon nag manifest ang lead counsel ng depensa sa impeachment court at sinabing na misunderstood lamang ang utterances ng kanilang abugado ukol sa misleading question
Paliwanag pa ng mambabatas, tungkulin nila na mga abugado na maglinaw sa katanungan ng media na nagcocover ng impeachment at ng taumbayan na linawin angbilang mga procedural questions sa paglilitis.
Binigyan diin ni Luistro na igagalang nila ang magiging ruling ng senate impeachment court at tatalima sila sa anuman magiging desisyon nito. | ulat ni Melany Reyes