Unti-unti nang nauubos ang mga tumambak na basura sa Redemptoris Water Channel sa Brgy. Baclaran Parañaque City.
Sa ngayon halos maliliit na basura na lang ang palutang lutang at wala na tila mala-dagat na basura sa lugar.
Ayon sa mga tauhan ng MMDA at mga naglilinis na kasama sa TUPAD ng DOLE, nasa finishing nalang sila ngayon sa paglilinis.
Target itong matapos kung hindi ngayong araw ay hanggang bukas.
Ngayong patuloy nanaman ang ulan sa metro manila sana aniya ay wala nang lumutang na basura lugar kaya payo ng mga otoridad sa publiko kung maari ay iwasan na ang di tamang pagtatapon ng basura lalo na sa mga creek, kanal at iba pang daluyan ng tubig. | ulat ni Louisa Erispe