Ngayong itinutulak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang waste-to-energy program mas pagiigtingin pa ng Department of Energy ang mga programa para magamit ang basura bilang enerhiya o kuryente.
Ayon sa DOE malaki ang maitutulong ng mungkahi ng Pangulo na ang nga basurang hindi na maaaring ma-recycle o magamit ay maging enerhiya.
Bukod sa makakabawas ito sa problema baha na dulot ng mga nagbabarang basura sa kanal makakatulong din ito sa solid waste management ng bansa.
Ayon naman sa DOE nagpapatuloy ang Special Auction Round para sa waste-to-Energy sa ilalim ng Green Energy Action Program.
Mula sa 230 megawatts ginawa nang 400 megawatts parang marami pang lumahok sa auction.
Sa October 13, 2026 ang auction proper at inaasahang magiging matagumpay ang proyekto sa last quarter 2028 hanggang 2029.
Inaasahang mararamdaman na ang kuryente mula basura sa 2029.
Ito naman ay hindi pamalit kundi dagdag na mapagkukunan lang ng enerhiya pinapayuhan pa rin ang publiko na magpatuloy sa reduce, reuse at recycle ng basura o tamang segregation. | ulat ni Louisa Erispe