Nasa 150 pamilya na apektado ng baha sa Brgy. Elias Aldana, Las Piñas City, ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan.
Ito ay matapos bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at si Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian sa lungsod upang kamustahin at bisitahin ang mga evacuees.
Lubos namang nagpapasalamat ang Las Piñas LGU sa national government sa suporta at dagdag na tulong pinansyal sa mga residente, na malaki ang magiging bahagi upang makabangon ang mga apektado mula sa epekto ng habagat.
Bukod naman sa tulong pinansyal, nabigyan na rin ng relief goods ang mga evacuees, at sinisiguro ang maayos nilang kalagayan habang nasa evacuation centers.