Nilinis ang mga kanal at nagtanggal ng mga sanga ng puno sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng Taguig upang maiwasan ang pagbaha ngayong tuloy-tuloy ang ulan dulot ng habagat.
Sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), nagsagawa ng hauling at clearing operations ngayong araw, August 13, para sa mga naputol at nakaharang na sanga ng puno malapit sa Upper Bicutan Elementary School.
Nagtulungan din ang mga tauhan ng CENRO at Local Utility Office (LUO) sa 83 Sto. Niño Ave., Zone 3, Barangay Central Signal, para sa pagputol at clearing operations ng isang punong bumagsak at sumabit sa mga linya ng kuryente.
May mga nagboluntaryo rin namang maglinis ng mga kanal sa Brgy. Ibayo-Tipas upang maiwasan ang pagbaha.
Hinihikayat naman ang publiko na agad isumbong o ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang anumang insidente upang mabilis itong matugunan.