Inatasan ni Education Secretary Sonny Angara ang mga guro na pagandahin ang pagtuturo ng proper Solid Waste Management upang makatulong sa pag-iwas sa baha.
Ginawa ng kalihim ang pahayag sa pagbisita sa Santolan Elementary School, kahapon, na isa sa mga naging evacuation site sa Pasig City dahil sa Habagat.
Paliwanag ni Angara, layunin nito na palakasin pang lalo ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, na nagsusulong ng sistematiko at komprehensibong pagtatapon ng basura.
Aniya, makabubuting maitanim sa kaisipan ng mga mag-aaral ang disiplina sa pagtatapon ng basura lalo’t nakikita naman na ang epektong dulot ng kapabayaan hinggil dito.