Aabot sa mahigit ₱347 milyong ang halaga ng pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyong Luis, Maymay gayundin ng Habagat sa sektor ng agrikultura.
Batay sa datos ng Department of Agriculture – Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DA-DRRMOC), nagmula ito sa anim na rehiyon kabilang na ang Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas.
Tinatayang aabot sa 12,161 magsasaka habang nasa halos 9,500 metriko toneladang mga pananim ang apektado sa mahigit 10 ektaryang sakahan at taniman.
Kasama na rin dito ang bigas, mais, cassava, high value crops, livestock, poultry gayundin ang iba pang agricultural infrastructures.
Patuloy namang sumasailalim sa assessment at validation ang iba pang pinsalang idinulot ng masamang panahon sa naturang sektor.