Hindi basta – basta nagpapalit ng polisiya ang pamahalaan, batay lamang sa mga lumalabas na resulta ng mga survey o paga-aral.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa panayam ng FOCAP Presidential Launcheon, ngayong araw, August 14.
Sinabi ng pangulo, ang mga desisyon ng administrasyon ay palaging nakabatay sa kung ano ang tama at kung ano ang pinakamabuti para sa mga Pilipino.
“I don’t change my position because of survey. I make decision because I belive it’s the best decision to make.” —Pangulong Marcos Jr.
Lalo’t ang mga survey aniya, hindi naman sumasalamin sa kung tama o mali ang mga hakbang ng gobyerno.
“It does not determine the rightness or wrongness of what my government is trying to do.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng pangulo, hindi rin naman ito nangangahulugan na wala siyang pakialam sa resulta ng mga survey.
Sinisilip niya rin aniya ang mga nilalaman o resulta nito, lalo’t kasama ito sa buhay politika.
Gayunpaman, ayon sa pangulo, hindi siya nagbababad o masyadong nagpapa-apekto sa mga survey, at agad ding bumabalik sa trabaho, pabor man o hindi ang resulta ng mga lumabas na survey.
“It’s not that I don’t care. Of course I care, I’m a politician. Once it stays in my mind maybe a minute or two then I go back to work.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan