Photo courtesy of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Siniguro ng Metropolitan Manila Development Authority na masasampolan ang mga nagpapakalat ng pekeng video o larawan sa gitna ng epekto ng masamang panahon.
Kumakalat kasi sa social media ang ilang video at larawan na digitally altered o kinuha pa sa mga nagdaang bagyo o masamang panahon.
Binabaluktot ng ganitong mga post ang totoong sitwasyon, kung saan maaaring malito ang publiko sa kung ano ang tunay na babala at aksyon ng gobyerno at kung ano ang maling impormasyon.
Sa programang Boses, tinukoy ni MMDA General Manager Nicolas Torre III ang isang indibidwal na malapit nang masasampolan dahil sa pagpapakalat ng fake news.