Photo courtesy of ASEAN Website
Pormal nang inilunsad sa Maynila ang ASEAN Film & Television Summit 2026, na nagtipon ng mga filmmaker, industry leaders, policymakers, at creatives mula sa Asya at Europa para talakayin ang kinabukasan ng industriya ng pelikula sa rehiyon.
Sa temang “Navigating our Future, Together,” nakatuon ang summit sa film archiving, film education, at regional collaboration.
Dumalo sa opening ceremony si First Lady Liza Araneta-Marcos, habang inihayag ni Negros Occidental 3rd District Representative Javier Miguel “Javi” Benitez ang natapos na substitute bill para sa Philippine Film Industry Development Act.
Layunin ng panukala na i-update ang film law ng bansa matapos ang 24 na taon, kabilang ang pagpapalakas sa FDCP bilang Philippine film commission, incentives para sa co-productions at location shoots, audiovisual literacy sa K-12, at permanenteng Philippine film archive.
Binigyang-diin naman ni FDCP Chairman at CEO Jose Javier “Joey” Reyes ang kahalagahan ng pelikula at media sa pagtataguyod ng pagkakaunawaan, kapayapaan, at pagkakaisa ng mga bansa sa Asya.
Nagpapatuloy ang summit hanggang August 14 sa Maynila.