Kabilang sa mga nais bigyang-pansin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang impluwensiya ng social media at online platforms sa estado at kalagayan ng mga kabataan.
Ito ang isa sa mga binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. sa naging dayalogo nito sa Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).
Aniya, bilang magulang, batid niya na dapat pang mapalakas ang mga inisyatiba sa digital security at cybersecurity upang maprotektahan ang mga bata mula sa mapanganib na content at maling impormasyon online.
Mahalaga ring matutukan, ayon sa Punong Ehekutibo, na sa pagsusulong ng mga inobasyon ay kasabay din nito ang responsibilidad upang matiyak ang ligtas na digital environment para sa mga kabataan.
Naniniwala rin si Pangulong Marcos Jr. sa napakalaking bahagi ng mga magulang sa paghubog sa kamalayan ng mga kabataan, lalo pa’t malaking hamon din ngayon ang tila nagiging bayolenteng landscape sa digital space, kung saan mas mataas ngayon ang exposure ng mga kabataan.