Nasabat ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs ang mahigit P6.29 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa loob ng water pressure equipment mula sa isang shipment na galing sa Estados Unidos.
Ayon sa BOC, nadiskubre ang iligal na droga matapos makitaan ng kahina-hinalang laman ang kargamento sa isinagawang pagsusuri ng X-ray Inspection Project o XIP sa Port of Clark.
Dahil dito, agad itong isinailalim sa masusing physical examination ng mga awtoridad. Patuloy pa ang beripikasyon at pagsusuri sa shipment upang matukoy ang kabuuang detalye ng insidente at mga posibleng sangkot sa tangkang pagpupuslit ng ilegal na droga sa bansa.