Hindi napigilang madismaya at magalit ni Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Vince Dizon bunsod ng nakita niyang sira-sirang bahagi ng Doña Remedios Trinidad Highway sa Baliwag, Bulacan.
Ayon kay Dizon, testamento umano ng naging talamak na kapabayaan at korapsiyon ang kalunos-lunos na kondisyon ng nasabing daanan sa Baliwag, Bulacan.
Kasama rin ni Secretary Dizon sa nasabing inspeksiyon sina Baliwag City Mayor Sonia Estrella, Vice Mayor Ferdinand Estrella, at Bulacan 2nd District Representative Ditse Tina Pancho.
Tiniyak naman ng kalihim na mamadaliin at tututukan ng DPWH ang konstruksyon ng isang kilometrong baku-bakong bahagi ng Doña Remedios Trinidad Highway sa Baliwag, Bulacan, na nagpapahirap at nagpapatagal sa biyahe ng mga motorista at commuter.
Binigyang-diin ni Dizon na pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang konstruksyon ng tatlong taong natenggang four-lane na kalsada, na inaasahang magpapabilis sa biyahe ng mga motorista at commuter oras na matapos ito sa susunod na taon.