Sinuspinde na rin ng Quezon City Government ang afternoon face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan sa lungsod ngayong Lunes, August 17.
Ito ay dahil sa inaasahang pagpapatuloy ng malakas na pag-ulan, mamayang hapon.
Saklaw ng suspensyon ang Child Development Centers, Kindergarten, Grades 1–12 at Alternative Learning System (ALS).
Sa halip, ipatutupad ang Alternative Delivery Modes of Learning, kabilang ang synchronous at asynchronous learning, para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante.
Samantala, pinauubaya naman sa pamunuan ng mga pribadong paaralan at HEIS ang pagsususpinde ng klase bagamat hinihikayat ang mga paaralan na isaalang-alang ang national o localized suspension para sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na abiso, at manatili muna sa bahay kung hindi kinakailangang lumabas.