Tuloy-tuloy ang clearing operations ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Gov. Bado Dangwa National Road sa Bangho, Daclan, Tublay, Benguet matapos bumigay ang curtain net sa naturang bahagi ng kalsada.
Ayon sa DPWH, dulot ito ng soil collapse bunsod ng sunod-sunod na malalakas na pag-ulan sa lugar nitong mga nakaraang araw.
Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking ligtas at mabilis na mabubuksan ang mga kalsadang naapektuhan ng masamang panahon.
Patuloy namang nagsasagawa ng clearing at road safety operations ang DPWH upang maibalik sa normal ang daloy ng trapiko sa lugar.
Habang nagpapatuloy ang operasyon, pinapayuhan ang mga biyahero na pansamantalang dumaan sa Suyoc-Baayan-Posos Road o Ambongdolan-Tuel-Alno-Alapang Provincial Road bilang alternatibong ruta.
📸 DPWH

