Naninindigan si Commission on Elections Chairperson George Erwin Garcia na tuloy ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections.
Ito ang binigyang-diin ni Garcia matapos ang insidente ng pananambang sa Interim Chief Abdul Raof Macacacua.
Paliwanag ni Garcia, walang anomang dahilan silang nakikita para ipagpaliban ang nasabing election, kahit ito ay may kinalaman sa violence, terrorism o kahit force majure.
Ayon pa kay Garcia, ikinalulungkot nila ang nasabing insidente pero maliban dito ay napakamapayapa ang sitwasyon sa BARMM at walang anumang election-related incident maliban sa naturang ambush.
Kaya naman tiniyak ng opisyal na hindi papatinag ang COMELEC sa anumang plano ng mga nagnanais na ipahinto ang BARMM Parliamentary Elections.