Nasa 12.20 meters na ang lebel ng tubig sa Laguna de Bay nitong August 17.
Ito ay ayon sa near-real-time monitoring ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).
Bagama’t nasa normal na antas pa ito, papalapit na ang tubig sa lawa sa kritikal na mataas na lebel na 12.50 meters.
Ayon sa LLDA, maaaring maabot o malampasan ang 12.50-meter threshold sa pagitan ng September at November, depende sa dami at dalas ng pag-ulan at iba pang kondisyon ng panahon.
Patuloy na nakaaapekto sa Metro Manila at CALABARZON ang Habagat at trough ng Low Pressure Area, na nagdudulot ng pag-ulan at thunderstorms sa ilang lugar.
Pinapayuhan ang mga LGU at komunidad sa paligid ng lawa na bantayan ang mga mabababang lugar, tiyaking walang bara ang mga daluyan ng tubig, at maging alerto sa posibleng pagbaha.
Pinapayuhan din ang mga mangingisda at aquaculture operators na tiyaking ligtas ang kanilang fish pens at cages.