Photo courtesy of Dagupan City Government- Information Office
Kabuuang 2,459 tricycle drivers sa lungsod ang tumanggap ng PBBM Rice nitong Lunes, August 17, sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF) mula sa Office of the President.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, malaking tulong ang rice assistance sa mga tsuper na halos dalawang linggo nang hindi nakapamasada dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo at pagbaha sa lungsod.
Layunin ng programa na makatulong sa pangangailangan sa pagkain ng mga low-income at vulnerable sector, partikular sa mga nawalan o nabawasan ng kita dahil sa kalamidad.
Katuwang sa ginanap na distribusyon ang Public Order and Safety Office (POSO), sa pangunguna ni POSO Dagupan Chief Arvin Decano, upang matiyak ang maayos at mabilis na pamamahagi ng ayuda.
Kung matatandaan, una na ring nabigyan ng PBBM Rice ang nasa 379 bangkero at motorboat operators sa Dagupan City na kabilang sa mga sektor na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pagbaha.