Photo courtesy of Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)
Mas maraming gasolinahan sa Metro Manila ang nakasunod sa unang araw ng pagpapatupad ng ₱12-peso per liter na fuel discount para sa jeepney at UV Express.
Personal na ininspeksiyon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Atty. Vigor Mendoza III nitong Sabado ang 10 gasolinahan sa Metro Manila kung saan nabatid na walo rito ang nagpapatupad ng ₱12 na fuel discount, mula sa dating ₱10 kada litro.
Sa programang Boses, sinabi ni Mendoza na dinagdagan din ng nasabing gasolinahan ang dikswento para sa kanilang loyal customers.
Samantala, palalawakin pa ng gobyerno ang mga gasolinahan na magbibigay ng ₱12 na fuel discount para mas maraming tsuper ang makinabang dito.
Ayon kay Mendoza, mahigit 90,000 na ang nakikinabang sa fuel discount program at target na mapataas pa.
Sa ilalim ng ₱12 per liter fuel discount ay inaasahang makakatipid ang mga driver ng ₱1,800 kada linggo.