Fake news.
Ito ang ipinahayag ng Office of the Executive Secretary (OES) kasunod ng kumalat na Memorandum Circular No. 127 na nagsasabing nagdeklara ang Office of the President ng alternative work arrangement para sa government offices sa ilang piling lugar sa bansa.
Ayon sa OES, wala aniyang rekomendasyon ang National Disaster Reduction and Coordinating Council (NDRRMC) para sa pagpapatupad ng ganung set up para sa mga empleyado ng pamahalaan.
Napag-alaman na ang mga lugar na sinasabing maaaring magpatupad ng alternative work arrangement sa pekeng dokumento ay siya ring mga area na idineklara nitong nakalipas na Biyernes, kung saan ay lehitimong nagpatupad naman ang Palasyo ng nasabing work set up.
Lumalabas na kinopya lang ang Memorandum Circular 126 na inisyu nitong Biyernes at pinalitan lang ang petsa para sa araw na ito, at palabasin ng mga nasa likod ng fake news na muling ipatutupad ang alternative work arrangement dahil sa tuloy-tuloy na malakas na pag-ulan.