Screengrab from Radyo Pilipinas World Service FB livestreaming
Walang limitasyon ang pagiging adversarial sa anumang paglilitis kaya naman maaaring maging creative ang isang abogado pagdating sa pagprotekta sa interes ng kanyang kilyente o pagkamit ng katotohanan at hustisya.
Subalit, ayon sa constitutional law expert na si Atty. Domingo Cayosa, dapat ding isaalang-alang din ang uri ng lengwahe na gagamitin sa pagiging adversarial.
Sinabi ni Atty. Cayosa sa programang “Ang Pilipinas Ngayon” ng Radyo Pilipinas World Service na hindi tama paratangan ang kapwa nitong abogado, lalung-lalo na kung ang paratang ay wala namang katotohanan.
Pabibigay-diin ng pantas sa batas, kahit na nagkakaroon na ng pagkakainitan sa pagitan ng mga abogado ay dapat pa rin ang paggalang sa rules of evidence at courtroom decorum.
Aniya, hindi dapat inaaway ng mga abogado ang mismong korte, na siyang taga-sala, nagtatanong, o nagsusuri upang lumabas ang katotohanan.
Ayon pa kay Atty. Cayosa, hindi rin dapat magbanggit ng batas kung hindi rin naman ito totoo. Kailangan, aniya, ay pairalin pa rin ang basic honesty.