Nasa ₱58.53 billion ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa Local Government Support Fund (LGSF).
Ang LGSF ay ang budget na direktang ibinababa ng national government sa lokal na pamahalaan partikular na sa mga baranggay na dito ay ipinamamahagi ang ₱200,000 para gamitin sa pagbibigay ng scholarship at proyekto para sa kanilang lugar.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ang ₱58.53 billion LGSF allotment sa 2027 ang pinakamataas na budget sa kasaysayan kung pag-uusapan ay pagbibigay ng pondo para sa mga LGU.
Halos 30%, ani Recto, ng tax collection ng gobyerno ay awtomatikong ibinababa sa mga lokal na pamahalaan.
Malinaw, sabi ni Recto, ang utos ng Pangulo na mas palakihin, dagdagan, at palawakin ng pamahalaan ang suporta sa Local government kung makakatulong naman sa mga tao ang mga programa sa LGU.