Sinabi mismo ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na election-related violence ang tingin nila sa ambush sa convoy ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Interim Chief Minister Abdulraof Macacua, na isa ring kandidato.
Sa panayam sa programang BOSES, inihayag ni Garcia na wala pa umanong natutukoy na motibo ang AFP at PNP.
Pero sa pananaw ng COMELEC, maaaring layunin ng pag-atake na lumikha ng tensiyon sa lugar at magdulot ng agam-agam sa mga botante.
May banta man, hindi umano ito dahilan para ihinto ang paghahanda sa halalan.
Sa ngayon, may limang indibidwal na tinitingnan sa follow-up operation.
Pero hindi muna inilalabas ng COMELEC ang profile ng mga ito upang hindi maapektuhan ang imbestigasyon.