Aminado ang Department of Energy (DOE) na malaki ang kakailanganing pondo para sa Waste-to-Energy program ngunit sulit naman ang magiging resulta nito dahil kakambal nito ang malaking kabawasan sa tambak ng basura sa bansa.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, target maisagawa ang Waste-to-Energy program sa darating na October 13, 2026.
Dagdag pa ng kalihim na multifaceted ang waste-to-energy kaya posible itong magkaroon ng base load.
Hindi rin ito tulad ng solar energy na tuwing may araw lang gumagana dahil kaya nitong magsuplay ng enerhiya 24-oras kada araw.