Naging mabilis ang pagresponde ng lokal na pamahalaan ng Mandaluyong kasunod ng naranasang malakas na pag-ulan kahapon.
Sa panayam ng programang BOSES kay Mandaluyong City Disaster Risk Reduction and Management Department Head Roald Arcangel, agad silang nagsagawa ng preemptive evacuation sa mga flood-prone areas kung saan hanggang sa ngayon ay nananatili ang mga inilikas na pamilya sa evacuation center bunsod ng nararamdaman pa ring pag-uulan.
Sa kasalukuyan pumalo na sa mahigit dalawang-daang pamilya ang nananatili sa mga evacuation center o katumbas ng mahigit sa 800 indibidwal.
Karamihan sa mga inilikas na pamilya ay mula sa mga Barangay ng Addition hills, Daang-bakal, Bato Itaas, Poblacion, Old Zaniga at San Jose.
Hindi rin kinukulang sa mga suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan ang mga inilikas na pamilya.