Photo courtesy of Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Binigyang-diin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na isang multifaceted approach ang pag-aksiyon pagdating sa garbage disposal.
Sa panayam ng programang BOSES sinabi ni Usec. Torre na hindi lang responsibilidad ng pamahalaan ang maayos na waste disposal kundi may malaking bahagi rin dito ang komunidad.
Sa ngayon, nakatutok na ang MMDA sa pagsasaayos pa ng sistema ng waste disposal sa Metro Manila upang mas maging organisado ang pagtatapon ng basura.
Nakiusap naman si Torre sa publiko na kung maaari ay ‘wag nang dumagdag sa problema sa sangkaterbang basura at sumunod sa mga regulasyon ng pamahalaan kabilang na ang mga waste disposal systems upang mapaigi ang waste segregation at recycling sa mga komunidad.