Tututukan na ng Department of Energy (DOE) ang problema sa sangkaterbang basura ng bansa at generation ng dagdag na enerhiya sa pamamagitan ng Waste-to-Energy program.
Layon ng nasabing programa na gawing suplay ng kuryente ang residual municipal solid waste sa halip na idiretso sa landfill.
Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevara makatutulong na ito sa energy security lalo’t target na maka-generate ng 400 megawatts ng kuryente mula sa tone-toneladang basura sa Metro Manila at highly-urbanized provinces sa pamamagitan ng isang special Green Energy Auction.
Oras na mapagana na ito ay tiyak masasagot na rin ang problema sa basura na lalo pang pinatindi ng panahon ng tag-ulan dahil papalo sa ₱350 million ang ginagastos ng pamahalaan para sa clean-up ng basura tuwing may bagyo.
Positibo rin ang magiging epekto nito sa usapin ng job generation dahil nangangahulugan din ito ng dagdag na trabaho. | ulat ni Eph Gaytos