Photo courtesy of Department of Energy
Epektibo na ngayong araw ang dagdag singil sa mga produktong petrolyo base na rin sa anunsiyo ng Department of Energy (DOE).
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, base sa kanilang pagtaya, maglalaro ang presyuhan ng taas-singil sa gasoline sa ₱2.49 centavos kada litro.
Nasa ₱3.84 centavos naman ang dagdag sa kada litro ng diesel habang tumataginting na ₱5.1 centavo naman maglalaro ang taas-presyo sa kada litro ng kerosene.
Ang nasabing paggalaw ay dulot pa rin ng nagpapatuloy na tensiyon sa Gitnang Silangan.
Sa kabila ng dagdag presyo sa petrolyo ay nananatili namang stable ang suplay ng langis sa bansa ayon sa DOE.
Tiniyak din ni DOE Sec. Garin na hindi tumitigil ang interbensiyon ng pamahalaan upang masalag ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
