Tuloy-tuloy ang pag-arangkada ng ₱12 kada litro na fuel subsidy ng pamahalaan bilang tugon sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director. Rino Abad na as of August 13 ay aabot na sa ₱492 million habang nasa mahigit 96,000 na unique public utility vehicle drivers ang nakinabang sa fuel subsidy programs.
Samantala, papalo naman sa mahigit 3,300 na gasolinahan sa buong bansa ang kasali na sa fuel subsidy program ng pamahalaan at patuloy pang nadaragdagan.
Pagdating naman sa tanong kung hanggang kailang gugulong ang fuel subsidy program, paglilinaw ni Abad na naka-base ito sa monthly assessment na isasagawa ngunit ang tiyak lang dito ay magpapatuloy ito hangga’t hindi pa rin humuhupa ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo.