Batay sa inisyal na ulat, dalawang junior high school student ang diumano’y nasawi habang dalawang iba pa ang sugatan sa nangyaring insidente ng pamamaril sa isang pribadong paaralan sa lungsod ng Zamboanga ngayong umaga.
Isang grade 7 student ang sinasabing suspek sa pamamaril na iniulat na nagbaril din ng kanyang sarili.
Nagpalabas naman ng abiso ang Ateneo de Zamboanga Junior High School na under control na ang sitwasyon.
Samantala, nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang motibo ng pamamaril.