Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na paigtingin ang paghahanda laban sa baha, flash flood, at landslide dahil sa Habagat at LPA.
Ayon sa DENR-MGB, mahigit 17,000 barangay ang may moderate hanggang very high susceptibility sa mga hazard mula Agosto 17 hanggang 19.
Batay sa PAGASA, posibleng maging tropical depression ang LPA at magdala ng malalakas na ulan.
Inatasan ang mga LGU na magsagawa ng risk assessment at preemptive evacuation kung kinakailangan.
Dapat ding ihanda ang mga tauhan at kagamitan, at tiyaking ligtas at operational ang evacuation centers.
Binigyang-diin ng DILG na kailangang kumilos agad ang mga LGU para maprotektahan ang mga komunidad na nasa high-risk areas.