Sinisilip na ng Malacañang kung alin sa 13, 917 flood control projects na isinagawa noong nakaraang administrasyon ang hindi naging epektibo sa flood management.
Ayon kay Communications Usec Claire Castro, hinihintay na lamang ng Palasyo ang ulat at datos kung nasaan ang mga proyekto, kung gumagana ang mga ito, at kung mayroong mga ghost o substandard projects.
”Patungkol doon sa 13, 917 flood control projects noong nakaraang administrasyon. So, kailangan din po nating malaman kung nasaan ito, kung gumagana ito, ghost project ba ito, dahil nabanggit naman na may mga ghost projects noong panahon ni dating Pangulong Duterte. So, dapat nating ma-monitor ito, kung substandard ba ito.” -Castro.
Binanggit ni Castro ang Sunog Apog pumping station bilang isang proyektong dating hindi maayos ang pagkakagawa ngunit naayos at napagana matapos ang intervention at pagkukumpuni.
“Iyong doon sa Sunog Apog na hindi po nagawa nang maayos, pero ito po ngayon ay napapagana na po, dahil sa intervention po at pagkukumpuni po at pagsasaayos ng pumping station sa Sunog Apog.” -Castro.
Pagsisiguro ng opisyal, magbibigay ng update ang PCO kaugnay sa mga flood control projects na ito. “Isa po iyan sa alam ko na proyekto noong nakaraang administrasyon. Pero sa ngayon po, hihingi po ako ng pinaka-update, hihingin ko lamang po, pero most probably, mamaya or tomorrow, maibibigay nila sa akin.” -Castro.