Pansamantalang sinususpinde ngayong Martes, Agosto 18, 2026, ang mga serbisyo sa Outpatient Department (OPD) ng ilang pangunahing ospital sa Lungsod ng Maynila.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng suspensyon ng OPD consultations ang Sta. Ana Hospital bagamat mananatili namang bukas 24/7 ang Emergency Room (ER) at Inpatient Services para sa mga nangangailangan ng agarang atensyong medikal.
Ang San Lazaro Hospital, sarado rin ang OPD consultation ngayong Martes at pinapayuhan ang publiko na subaybayan ang mga susunod na abiso ng pamunuan hinggil sa muling pagbubukas ng kanilang serbisyo.
Sarado ang OPD ngayong araw sa Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) ngunit inaasahang magbabalik ang regular na operasyon nito bukas, Agosto 19, 2026 (Miyerkules).
Samantala, pinapayuhan naman ng Manila Health Department ang publiko na iwasang lumusong sa baha, agarang linisin o itaob ang mga naipong tubig na maaaring pamugaran ng lamok ay magpakonsulta kung makaranas ng mga sintomas.
Sa pinakahuling datos ng Manila Health Department sa waterborne diseases mula January 1- August 18,2027 Umabot na sa kabuuang 156 ang kaso ng leptospirosis sa Lungsod, 959 ang influenzA like illness, 287 severe acute respiratory infection, 84 covid -19, 66 ang typhoid fever at 3 cholera.