Screenshot
Pinatawan ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension sina dating LTO Chief Vigor Mendoza II at dating LTFRB Chair Teofilo Guadiz III.
Ito ay kaugnay ng isyu sa paggamit ng STRADCOM-operated LTO information technology system na sinasabing nagresulta sa karagdagang P13.3 bilyong computer fees na ipinasa sa mga motorista.
Si Mendoza ay kasalukuyang LTFRB Chairman, habang si Guadiz ay Chairperson ng Office of Transportation Cooperatives (OTC).
Batay sa suspension order ng Ombudsman, nakitaan ng sapat na ebidensyang nag-uugnay sa dalawa sa administrative charges na Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Ayon kay Asst. Omb. Clavano, pinaboran ng dalawang opisyal ang patuloy na paggamit ng lumang STRADCOM-operated LTO IT System kahit na naipatupad na ng pamahalaan ang Land Transportation Management System (LTMS) bilang kapalit nito.
Agad na epektibo ang suspension order.