Kahit nagpapatuloy ang masungit na panahon, hindi tumitigil sa relief operations ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maabot ang lahat ng komunidad na apektado ng Habagat at mga nagdaang bagyong Luis at Maymay.
Sa pinakahuling tala ng DSWD, sumampa na sa halos ₱700-milyon ang halaga ng nailaan nitong tulong sa mga apektadong residente. Kabilang rito ang nasa higit isang milyong family food packs.
Patuloy ding tinututukan ang lagay ng nasa 21,000 residente na nananatili pa sa higit 300 evacuations centers.
Kaugnay nito, patuloy rin ang pagkakarga at pag-dispatch ng Family Food Packs (FFPs) mula sa Luzon Disaster Resource Center (LDRC) sa Pasay City.
Ang mga FFPs ay patungo sa MIMAROPA, CALABARZON, at Cordillera Administrative Region (CAR) bilang augmentation support para sa mga pamilyang nangangailangan ng agarang tulong sa gitna ng kalamidad.
📸 DSWD

